Connect with us

National

Pastor Apollo Quiboloy, handa sa pagtakbo sa pagkapangulo sa eleksyon 2022

Published

on

By

Handa raw na tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas si Pastor Apollo Quiboloy kung wala umanong malakas na kandidato na papalit kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ginawa ng pastor na kaibigan ng pangulo ang banta dahil patuloy na tumatanggi sa kanyang hamon na public debate si Senador Manny Pacquiao na una nang nagdeklara ng kandidatura.


Todo Media Magazine

Maaalalang, sinampahan ng P100 million libel case ni Pacquiao si Quiboloy sa halip na patulan ang hamon na debate.

Nagbabala rin si Quiboloy sa mga “CPP-NPA lovers” na kanya raw pupuntiryahin sa oras na magpasyang tumakbo bilang presidente.

Kampante ang pastor na tumakbo kahit na walang partido dahil kapartido naman raw niya ang Diyos.

Sinabi pa niya na hindi ito maiiwasan kung ito ang kagustuhan ng Diyos ama.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *