Connect with us

National

Pagbabakuna sa mga minors, maaring magsimula sa 4th quarter ng taon – Duque

Published

on

Pagbabakuna sa mga minors

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque nitong Miyerkules, maaring simulan nang isama ang mga minors sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno pagdating ng 4th quarter ng taon.

“Kasi iyong supply natin, makukuha natin ang bulto 4th quarter of this year. Once we get the bulk of the volumes, we can slowly include the children in the program,” sagot ni Duque sa tanong ni Iloilo 1st District Rep. Janette Garin.

Mula ngayong buwan ng Setyembre hanggang katapusan ng taon, inaasahan na halos 137 milyong bakuna ang matatanggap ng gobyerno.

Batay sa National Task Force Against COVID-19, ang kabuuang bilang ng bakuna laban sa COVID-19 na natanggap ng Pilipinas, ay umaabot na sa 52.6 milyon nitong Miyerkules.

Bilang tugon sa sinabi ni Garin sa DOH na alamin na agad kung ilang paparating na bakuna ang ilalaan para sa mga minors, sagot ni Duque na gagawin na nila.

“We need to review already our allocation plan,” aniya batay sa isang report ng CNN Philippines.

Pinahintulot na ng Food and Drug Administration ang Pfizer na bakuna bilang emergency use para sa mga minors na 12 hanggang 15 taong gulang. Ngunit, ayon sa DOH noong nakaraan dahil sa limited supply ng mga bakuna, hindi muna babakunahan ang mga minors.

(Source: CNN Philipppines)

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *