Connect with us

National

Miyembro ng SSS na nawalan ng trabaho, makakatanggap ng P20k cash benefit

Published

on

Photo| https://techpilipinas.com

Kinumpirma ng Social Security System (SSS) na makatatanggap ng hanggang P20,000 cash benefit ang lahat ng contributing members ng SSS na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 crisis.

Inihayag ito ni SSS Public Affairs and Special Events Division head Fernando Nicolas nitong Martes. Aniya kailangan lamang magpakita ng sertipikasyon mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang isang mi­yembro ng SSS at isang savings account.


“Ang kailangan lang nilang i-present ay ‘yung certification galing sa DOLE na sila ay invo­luntarily separated. Tapos i-present nila ‘yung savings account kung saan natin ide-deposit,” pahayag ni Nicolas.

“Up to 20,000 o katumbas po ito ng one month salary credit. Halimbawa, ang isang miyembro ay naghuhulog ng para sa P20,000 monthly salary credit, makakakuha po siya ng ganung halaga,” saad pa nito.

Para naman sa mga overseas Filipino workers (OFW) na nais ding makakuha, maaaring hingiin ang sertipikasyon mula sa Philippine Overseas Employment Office (POLO), imbis na sa DOLE.

Subalit, hindi naman kwa­lipikadong makakuha ng unemployment benefit ang mga self-employed na miyembro ng SSS.

Position: Production staff Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession:It’s a zeal for reaching out through photography, communicating whether written and spoken. Principle in life: Proverbs 3:5-6: “Trust in the LORD with all thine heart; & lean not unto thine own understanding. In all thy ways acknowledge Him, & He shall direct thy paths.”

Continue Reading
Advertisement

2 Comments

2 Comments

  1. Jp Merino

    June 10, 2020 at 2:01 pm

    Tanong lang po pano po young yung nagkaroon ng laps ang hulog due to sickness reason example last 2019 from May to Oct 2019 wala hulog na updated lang from Nov 2019 tell present maka avail po ba?

  2. jonabie jurisprudebcia

    June 10, 2020 at 4:09 pm

    wala kaming trabaho sa boracay kami ng trabaho ngayon wala na kaming teabaho mag asawa at my tatlo po kaming anak pano nyo po kami matutulungan… sana matukungan nyo po kami…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *