Connect with us

National

MGA SENIOR CITIZENS, MAY 20% DISCOUNT SA MGA RESETANG VITAMINS AT SUPPLEMENTS – DOH

Published

on

Kasama na sa 20% discount ng mga senior citizens para sa health-related products ang mga vitamins at mineral supplements.

Ayon sa Department of Health, inamend nila ang guidelines sa discount at value-added tax exemption na noo’y hindi kasama sa mga applicable “medicines” ang mga vitamins.

“Pwede na po kayo bumili ng vitamins at mineral supplements na may 20% discount basta po may kasamang reseta” ayon kay Health Spokesperson Ma. Rosario Vergeire.

Ang nasabing bagong discount ay magagamit ayon sa kanya pagkatapos ng 30 araw na publication ng administrative order.

Ikinatuwa naman ni elderly rights advocate Romulo Macalintal ang desisyon ng ahensya sa pagbibigay pansin sa kanyang panawagan noong nakaraang buwan.