Connect with us

National

MGA SABUNGAN, BAWAL PA RIN BUKSAN

Published

on

Bawal pa rin buksan ang mga sabungan kahit saan sa bansa ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG) kahapon.

Dahil dito inabisuhan ang mga LGUs na huwag munang payagan ang mga sabong sa kanilang mga lugar hangga’t wala pang derektiba ang Inter -Agency Task Force on Emerging Diseases.


“Bawal po sang sabong hanggang ngayon” ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya sa isang virtual briefing.

Dagdag pa ni Malaya na nakarating sa DILG ang ilang mga reports na may mga lugar na pinayagan na muli ang pagsasabong.

Wala umanong derektiba na pwede na ang sabong kahit ang isang lugar ay napasailalim na sa GCQ at MGCQ.

Payo ni Malaya sa mga LGUs na mag antay ng kaukulang derektiba mula sa IATF bago payagan ang operasyon ng mga cockpit arenas sa kanilang mga lugar.

Years/background in Media works: 22 years
Why chose this profession: It's my DESTINY
Principle in life: Never expect. Never assume. Never ask. And never demand. Just let it be, if it's meant to be, it will happen.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *