Connect with us

National

Metro Manila babalik sa ECQ pagdating ng Agosto 6; alamin ang quarantine classification ng ibang lugar

Published

on

Metro Manila ECQ

Mananatili sa general community quarantine with “heightened and additional” restrictions ang Metro Manila hanggang Agosto 5, ngunit babalik ito sa pinaka-striktong enhanced community quarantine pagdating ng Agosto 6 hanggang 20.

Ipinahayag ito ni presidential spokesperson Harry Roque, ngayong Biyernes, matapos mag-meeting ang task force sa mga Metro Manila mayors.

Ang mga local chief executives noong una palang, ay nagnanais na ma-implement ang pinaka-striktong quaratine measure matapos tumaas ang kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos sa CNN Philippines na na-aprubahan na ng national government ang paki-usap ng mga local chief executives sa NCR na mamahagi ng cash aid sa lahat ng mga ma-aapektuhang pamilya pagdating ng two-week ECQ.

Nag-commit rin ito na papabilisin at dadagdagan ang pagbabakuna sa 250,000 bawat araw sa panahong ito, sabi ni Abalos.

Ang mga sumusunod ang quarantine classification ng iba pang mga lugar.

ECQ mula Agosto 1 hanggang 7

  • Iloilo City
  • Entire Iloilo province
  • Cagayan de Oro
  • Gingoog City
  • Misamis Oriental

Modified ECQ mula Agosto 1 hanggang 15

  • Ilocos Norte
  • Bataan
  • Lapu-Lapu City
  • Mandaue City
  • Cebu City
  • Cebu Province

Ang Cebu City at Cebu Province ay puwede pang umapela ng kani-kanilang local government units.

GCQ with heightened restrictions mula Aug. 1 hanggang 15

  • Ilocos Sur
  • Cagayan
  • Bulacan
  • Cavite
  • Rizal
  • Laguna
  • Lucena City
  • Naga City
  • Antique
  • Aklan
  • Bacolod City
  • Capiz
  • Negros Oriental
  • Zamboanga del Sur
  • Misamis Oriental
  • Davao City
  • Davao del Norte
  • Davao Occidental
  • Davao de Oro
  • Butuan City

Under GCQ

  • Baguio City
  • Apayao
  • Quirino
  • Isabela kasama ang Santiago City
  • Nueva Vizcaya
  • Batangas
  • Quezon
  • Puerto Princesa City
  • Guimaras
  • Negros Occidental
  • Zamboanga Sibugay
  • Zamboanga del Norte
  • Zamboanga City
  • Davao Oriental
  • Davao del Sur
  • General Santos City
  • Sultan Kudarat
  • Sarangani
  • North at South Cotabato
  • Agusan del Norte
  • Agusan del Sur
  • Surigao del Norte
  • Surigao del Sur
  • Dinagat Islands
  • Cotabato City.

Habang ang ibang bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng modified GCQ.

What’s Not Allowed

Sa ilalim ng pinaka-latest na IATF Resolution 130-A, ipinag-babawal na ang outdoor dining sa stricter GCQ simula Hulyo 31. Pero puwede ang take-out at food deliveries.

Simula Hulyo 30, ang mga personal care services ay maaring mag-operate hanggang 30% ng venue o seating capacity.

Ang mga indoor sports courts and venues; at indoor tourist attractions; at ang mga specialized markets ng Department of Tourism ay ipinag-babawal rin mag-operate.

Samantala, mananatiling operational ang public transportation, ngunit “Only authorized persons can travel into and outside NCR Plus composed of Metro Manila, Cavite, Rizal, Bulacan, Laguna.”

Mga virtual religious gatherings lang ang puwede simula Hulyo 30.

Ang mga outdoor tourist attractions ay pwedeng mag-operate pero hanggang 30% venue capacity lamang.

Pina-alala ni Roque ang publiko na huwag mag-panic buying sapagkat may isang linggo pa sila para maghanda sa ECQ.

Ang mga maapektuhang businesses ay dapat gumawa na rin ng mga necessary preparations.

Source: CNN Philippines