National

Medevac plane, bumagsak sa Calamba City; 9 patay

Patay ang siyam na katao matapos bumagsak sa isang resort sa Barangay Pansol, Calamba City, Laguna ang isang Medevac plane noong ika-1 ng Setyembre 2019.

Ayon sa inisyal na ulat ng Laguna Police Provincial Office, dakong alas- 3:34 ng kahapon ng hapon nang makatanggap sila ng report tungkol sa bumagsak na eroplano. 

Ayon sa mga testigo, napansin nilang umuusok ang eroplano na patungo sa direksyon ng Mount Makiling. Tinangka pa umanong iba­lik ng piloto buhat sa kanyang pinanggalingan subalit nag-crash na ito sa Agojo Private resort sa Mimorante Subdivision. 

Ang nasabing eroplano ay isang medical evacuation aircraft na, ayon sa police report, ay may lulang pasyente mula Dipolog City, Zamboanga Del Norte at dadalhin sana sa Metro Metro Manila upang ipagamot. 

Sinabi naman ni Eric Apolonio, spokesman ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP, na ang medevac na may plakang RPC 2296 ay iniulat na nawawala mula pa nung alas-tres ng hapon kahapon ng Linggo.  

Kinilala ang mga nasawi na sakay ng eroplano na sina Captain Jesus Hernandez (piloto); First Officer Lino Cruz Jr. (co-pilot); Dr. Garret Garcia, mga nars na sina Kirk Eoin Badiola, Yamato Togawa; Ryx Gil Laput; Raymond Bulacja; ang pasyenteng si Tom Carr; at ang misis nitong si Erma Carr.

Ipinakikita sa Bidyo sa taas ang mga eksena ilang minuto matapos na bumagsak ang medevac na may plakang RPC 2296 sa Agojo Private resort sa Barangay Pansol, Calamba City, Laguna. Bidyo mula sa channel ni NATZ ARKI

Samantala, isinugod rin sa pagamutan ang mga nasugatan nang bumagsak ang eroplano sa resort. Kinilala ang mga sugatan na sina John Ray Roca, 19, at Malou Roca, 49. Nagkaroon ng first-degree burn si Malou sa braso habang si John Ray naman nakaranas ng second-degree burn sa sa mukha at first-degree burn sa parehong binti.  Sila ay mag-ina at nagtatrabaho sa resort bilang caretakers.

Share
Glesi Lyn Sinag

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

22 hours ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

22 hours ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

22 hours ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

4 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

6 days ago