Connect with us

National

LTO: Pag-isyu ng student driver’s permit sususpindehin simula Hulyo 1

Published

on

Image: philkotse . com

Pansamantalang sususpindehin ng Land Transportation Office ang pag-iisyu ng mga student driver’s permit epektibo mula Hulyo 1.

Batay kay LTO chief Edgar Galvante, kailangan nang sumailalim sa 15-hour theoretical driving course ang mga kukuha ng student’s permit, simula Agosto 3.


“Effective July 1, isu-suspend muna namin ang pag-iissue ng student permit kasi by August, ire-require na na dapat ‘yung nag-aapply ng student permit went through this 15 hours of theoretical session,” wika ni Galvante.

Aniya, ang mga driving school at LTO mismo, ay meron nang setup kung saan kailangan mag-enroll ang mga aplikante. Dagdag pa niya, nakatakada na umanong maglabas ng regulasyon ang LTO hinggil dito.

Position: Production staff Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession:It’s a zeal for reaching out through photography, communicating whether written and spoken. Principle in life: Proverbs 3:5-6: “Trust in the LORD with all thine heart; & lean not unto thine own understanding. In all thy ways acknowledge Him, & He shall direct thy paths.”