Connect with us

National

KASO NG CHIKUNGUNYA SA PINAS, UMABOT NA SA 43

Published

on

By

Pumalo na sa 43 kaso ng chikungunya ang naitala ng Department of Health mula Enero hanggang Mayo 22 ng kasalukuyang taon.

Ang chikungunya ay isang sakit na nakukuha sa kagat ng lamok na magkatulad ang sintomas sa dengue: lagnat, pantal, sakit ng ulo, pagsusuka, at pananakit ng kalamnan at kasukasuhan.

Sa datos mula sa DOH, ang karamihang kaso ng chikungunya ay mula sa Central Visayas, na nakapagtala ng 29 kaso, o 67%.

“The region with the most number of cases cumulatively and recently was Region VII. Of its 29 cases reported since the start of the year, 26 (90%) cases were recorded in April. However, from May 1-21, 2022, there were only two (2) cases reported in the said region,” pahayag ng DOH sa isang statement.

Binabantayan din sa ngayon ng DOH ang mga kaso ng dengue sa bansa.

Pumalo na sa 34,938 ang mga naitalang kaso ng dengue sa Pinas sa unang limang buwan.

 

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *