Categories: National

Isa sa bawat dalawang Pinoy ang nahihirapan ma-identify ang fake news sa mga tradisyonal at social media – SWS

Isa sa bawat dalawang Pilipino ang nahihirapan matukoy ang false information sa tradisyonal at social media batay sa isinagawan survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa kanilang December 2021 poll, 38% sa mga respondents ang nagsasabing na ang pag-identify ng fake news ay “somewhat difficult,” habang 13% naman ang nagsasabi na ito’y “very difficult.”

Samantala, 37% ay nagsasabi na “somewhat easy” ang pag-identify ng fake news, habang 11% naman ay sinasabing “very easy” ito.

Ipinahayag ni SWS president Linda Luz Guerro ang resulta sa 2022 SWS Survey Review virtual forum noong Lunes.

Ayon kay Guerrero, 20% sa mga respondents ay nagsasabing “often” silang nakakahanap ng fake news sa tradisyonal at social media, nasa 40% naman ang nagsasabing “sometimes,” 35% “seldom” at 4% “never.”

Fake News is a Serious Problem

Natuklasan rin sa survey na karamihan sa mga respondents ay naniniwala na ang problema sa fake news ay “as serious in traditional media as on the internet.”

Sa mga respondents, 73% ang nagsasabi na ang pagkalat ng fake news sa television, radyo at newspapers ay isang “serious problem” (32% very serious, 38% somewhat sober).

Ito’y tumaas mula sa 60% na survey noong December 2017 (29% very serious, 31% serious).

May 21% naman na undecided (down from 27 percent), habang 9% na lamang ang nagsasabing “it was somewhat not serious” o “not serious at all” (down from 13 percent).

Tumaas rin sa 67% ang mga taong naniniwala na seryosong problema ang pagkalat ng fake news sa social media mula sa 58% noong December 2017.

Samantala, sa latest survey, 24% ang undecided gayunpaman, bumaba ito mula sa 33%, habang 8% ang nagsasabing ang pagkalat ng fake news online ay “somewhat not serious or not serious at all” (same as in 2017).

(PHILSTAR)

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

Traysicle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

11 hours ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

11 hours ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

4 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

4 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

4 days ago