Connect with us

National

HIGH-PROFILE INMATE NA SI JAYBEE SEBASTIAN, NAMATAY DAHIL SA COVID 19

Published

on

jaybee sebastian photo

Namatay dahil sa COVID 19 ang high-profile inmate na si Jaybee Sebastian.

Sabado, Hulyo 18, ipinahayag na namatay si Sebastian kung saan nauna siyang dinala sa Site Harry, ang COVID 19 facility sa loob ng New Bilibid Prison matapos itong makitaan ng mga sintomas ng naturang sakit.

Hindi na isinailalim sa autopsy ang bangkay ni Sebastian at agad na sinunog sa pamamagitan ng cremation sa crematorium sa Dasmariñas, Cavite.

Maalala na inaresto si Sebastian dahil sa mga kasong kidnap-for-ransom at carjacking noong 2009 at itinuring na key witness sa Bilibid drug trade.

jaybee sebastian ashes