Connect with us

National

FDA, NAGBABALA KONTRA SA MGA HINDI REHISTRADONG PRODUKTO

Published

on

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa limang mga food products at supplements na hindi rehistrado sa ahensya.

Base sa Advisory No. 1618 na may petsang August 26, 2020, ipinahayag ng FDA na hindi rehistrado at walang karampatang Certificates of Products Registration (CPR) ang mga produkto na ito base sa kanilang online monitoring o post-marketing surveillance.


Nag-warning ang FDA sa lahat na mga healthcare professionals at general public na iwasan ang pagbili at paggamit ng RENO liver spread, MIRACLE WHITE ADVANCE WHITENING Capsules food supplement, TURCUMIN 100% natural and standardized turmeric curcumin, DESA spanish style bangus in corn oil, Samantaha’s Dips and Sauce Spanish Sardines Paste Sauce.

Ipinahayag ng FDA na hindi sila sigurado kung “quality and safety” ang nasabing mga produkto.

Years/background in Media works: 22 years
Why chose this profession: It's my DESTINY
Principle in life: Never expect. Never assume. Never ask. And never demand. Just let it be, if it's meant to be, it will happen.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *