Connect with us

National

DROPBOX ENROLLMENT SYSTEM, INILUNSAD NG DepEd

Published

on

Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ngayong araw ang Dropbox system of enrollment sa layunin na dumami pa ang enrollees para sa School Year 2020-2021 sa gitna ng COVID 19 pandemic.

Nakapaloob sa DepEd Order No. 008 series of 2020, isi-set-up ang mga Dropbox kiosks sa mga brgy halls o eskwelahan para sa pag pick-up at pag drop-off ng Learner Enrollment Survey Forms (LESFs).


Ayon sa DepEd, ang nasabing Dropbox kiosks ay magki-cater lang sa mga magulang na walang internet access o ibang pamamaraan para maka-communicate sa eskwelahan ang kanilang mga anak.

Pwede umanong lumapit ang mga magulang at guardians sa kanilang brgy officials para sa Dropbox enrollment system.

Inatasan din ng ahensya ang mga school administrators na mag coordinate sa mga brgy officials sa distribusyon at retrieval ng LESFs.

May ilalagay din na markings at signages sa mga kiosks para ma observe ang physical distancing.

Ang mga guro at personnel naman ang inatasang magbabantay sa enrollment kiosks.

Years/background in Media works: 22 years
Why chose this profession: It's my DESTINY
Principle in life: Never expect. Never assume. Never ask. And never demand. Just let it be, if it's meant to be, it will happen.