Connect with us

National

DILG, DOH NAGLUNSAD NANG KAMPANYA “BIDA ANG MAY DISIPLINA: SOLUSYON SA COVID-19

Published

on

sec. ano

Naglunsad ngayong araw nang kampanya ang Interior and Local Government (DILG) at Department of Health (DOH) ito ay ang “BIDA ang may Disiplina: Solusyon sa Covid-19”. National advocacy campaign ng Marikina City.

Ang tanging layunin nito ay mapanatili ang disiplina ng mga mamamayan laban sa Covid-19 pandemic.


Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año ang lahat umanong mga Local Government Units (LGU) ay hinihimok na mag-organize o ayusin ang Disiplina Brigades sa lahat ng mga barangays sa bansa para hikayatin na sumunod sa mga pinatutupad na health protocols.

“Ang laban kontra Covid-19 ay hindi lang laban ng pamahalaan, ito po ay laban ng bawat Pilipino na maaring mabiktima ng sakit na ito sa pamamagitan ng “BIDA ang may Disiplina ‘ay hangad ng DILG at DOH na iparating sa mamamayan na ang susi sa pagsugpo sa virus na ito ay disiplina at pagsunod sa mga tamang asal,” saad ni Ano.

Ito anya ay sa pamamagitan ng pinagsama at pinag-isang pagsisikap para manalo sa laban.

Ang nasabing kampanya ay binubuo ng community members kasama na ang barangay tanods na magsisilbing taga-paalala sa sino mang lalabag sa nasabing protocols.

Hinimok din ng DILG chief na suportahan ng LGUs ang bagong campaign “promote discipline as the new normal”.

Sinabi din ni Año na malaki ang bahagi ng mga mamamayan sa kampanyang ito ngunit ito ay magiging matagumpay lamang kung mahusay ang mga nangunguna ng pamahalaang lokal.

Tinatawag din niya ang pansin ng provincial, city, municipal at barangay sanggunian na kumilos sa kanila-kanilang ordinansa.