Connect with us

National

Campaign donations para sa mga kandidato na mula sa mga foreigner, ipinagbabawal ng COMELEC

Published

on

By

Ipinagbabawal ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga donasyon mula sa dayuhan at foreign corporation para sa mga kandidato sa darating na halalan.

“Foreigners cannot contribute to any Filipino candidate,” batay sa tweet ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

Mababatid na inilabas ng Comelec official ang pahayag, kasunod sa paglunsad ng crowdfunding page para sa presidential bid ni Vice President Leni Robredo.

“Commissioner Guanzon is correct. Contributions from foreigners and foreign corporations are prohibited,” pagsang-ayon naman ni Comelec spokesperson James Jimenez.

Nag-bigay din ng paalala ni Jimenez sa mga tatakbo sa parating na eleksyon na dapat mag-ingat sa pagtanggap ng mga donasyon.

Aniya, kailangang i-report ang lahat ng kontribusyon kung sila ay tumanggap ng donasyon mula sa ipinagbabawal na donors.

Ang sinumang mapapatunayang tumanggap ng donasyon mula sa mga ipinagbabawal na donors ay mahaharap sa electoral offense charge na magreresulta na diskwalipimasyon ng kandidato.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *