Categories: National

Cameroonian National, arestado dahil sa pagbibenta ng pekeng US Dollar bills

Arestado sa ginawang entrapment operation ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Philippine National Police (PNP) ang isang 47 taong gulang na Cameroonian national dahil sa pagbibenta umano ng counterfeit na US dollar banknotes.

Nakumpiska ng Quezon City Police Anti-Cybercrime Team at Payments and Currency Investigation Group (PCIG) ng BSP mula kay Fonki Gregory Abueh ang labing-apat na mga pekeng 100-dollar bills.

Kinasuhan si Abueh ng illegal possession and use of false treasury or banknotes and other instruments of credit sa ilalim ng Revised Penal Code.

Nahaharap din si Abueh sa hiwalay na kaso ng swindling o estafa sa ilalim naman ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Pinapaaalalahanan ng BSP ang publiko na maging mapanuri at mapagmatyag laban sa mga pekeng currencies at ipaalam kaagad sa kinauukulan kung mayroon mang makalap na impormasyon kaugnay ng pamemeke ng pera. Narito ang kanilang mga contact details: pcig@bsp.gov.ph o 02 8988-4833 at 02 8926-5092.

Share
Glesi Lyn Sinag

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

2 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

2 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

2 days ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

5 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

7 days ago