Connect with us

National

BREAKING: Chopper na sakay si PNP Chief Gamboa, bumagsak sa Laguna

Published

on

Philippine National Police officer-in-charge Police Lieutenant General Archie Gamboa. Photo | www.gmanetwork.com

Bumagsak sa San Pedro, Laguna ang isang helicopter na sinasakyan ni Philippines National Police Chief Gen. Archie Gamboa.

Ayon kay PNP-Highway Patrol Group Chief Wilsom Doromal, kasama ni Gamboa ang walo pang katao sa loob ng chopper kabilang ang dalawang piloto at iba pang opisyal ng PNP nang bumagsak ito.

Ani Doromal, kaka-take off lang ng chopper nang ito ay bumagsak makaraang sumabit sa high-tension wire.

Mula ang PNP Chief sa isang aktibidad sa Laperal Compound sa San Pedro para saksihan ang pagturn-over ng mga narekober na impound na sasakyan.

Helicopter crash PNP Chief Gamboa ang sakay | Kuya Ih TV youtube

Dagdag pa ni Doromal, ligtas si PNP chief dahil nasa safe side ito nakaupo, hindi rin ito nawalan ng malay ngunit nakaramdam ng pagkahilo.

Mabilis na isinugod sa pinakamalapit na ospital ang walo.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *