Connect with us

National

Bong Go sa mga korap na opisyal ng PhilHealth: ‘Putulan ng isang daliri’

Published

on

sen. bong go photo
Photo: Sen. Bong Go/Facebook page

Iminungkahi ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na kung maaaring amyendahan ang batas upang payagan ang parusang putulan na lang ng daliri ang mga opisyal ng PhilHealth na mapapatunayang sangkot sa kurapsyon.

“Sana po baka puwede nating amyendahan ‘yung batas, nabanggit ko kanina out of frustration, baka puwedeng bawat mahuli ay putulan ng isang daliri kung maaari para matapos na rin itong kalbaryo ng PhilHealth,” pahayag ni Go sa Senate Hearing.


Giit naman ni Senate President Vicente Sotto III, hindi naaayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ang nasabing mungkahi.

“I wish I could agree with you but it’s [an] unconstitutional and inhumane punishment,” saad ni Sotto.

Iniimbestigahan ngayon ang Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) at ang mga opisyal nito dahil sa umano’y overpricing sa pagbili ng information technology system na nagkakahalaga ng mahigit sa P2 bilyon.

Position: Production staff Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession:It’s a zeal for reaching out through photography, communicating whether written and spoken. Principle in life: Proverbs 3:5-6: “Trust in the LORD with all thine heart; & lean not unto thine own understanding. In all thy ways acknowledge Him, & He shall direct thy paths.”