Connect with us

National

BBM, SINALUDUHAN ANG MGA BARANGAY OFFICIALS AT VOLUNTEERS BILANG MGA BAYANI SA MATAGUMPAY NA COVID-19 VACCINE ROLL-OUT

Published

on

By

Photo Courtesy: Bongbong Marcos Official FB Page

Sinaluduhan ni presidential frontrunner Bongbong Marcos, Jr. ang ipinakitang kabayanihan at sakrispiyo ng mga brgy. officials, workers at mga volunteers sa matagumpay na roll-out ng national vaccination program kontra CoViD-19.

Sa isang dayalogo sa mga ito, ipinahayag ni Marcos ang kanyang pasasalamat sa serbisyong kanilang ibinigay kung saan malaking tulong umano sa pagbabangon ng bansa.

“Ako’y nagpapasalamat sa trabaho na ginawa ng ating barangay officials at ng ating barangay volunteers dito sa pandemiya.

Kung hindi sa inyo ay hindi talaga naging maganda ang vaccination roll out,” ayon kay Marcos.

“Ngunit dahil sa (kabayanihan) at sakripisyong ginawa Ninyo ay dahan-dahan na nating naiiwanan ang pandemiya.

Maiiwanan na natin ang sakit na Covid dahil sa trabaho ng lahat ng ating barangay workers at lahat ng barangay officials,” dagdag pa ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer.

Ayon pa kay BBM, ang mga brgy. Officials, workers, at volunteers ang nangasiwa na maging maayos ang implementasyon ng vaccination roll-out sa mga vaccination sites.

“Noong dumating ang pandemiya, sino ang bumuhay sa Pilipino ( para sa maayos na vaccination rollout) kung hindi ang mga ating barangay officials kasama na ang ating barangay volunteer workers,” paglilinaw ni Marcos.

“Dahil sa inyo dahan-dahan na po tayong palabas na sa pandemiya. Malaki po ang utang na loob ng buong madlang Pilipinas dahil sa inyong ginawa,” dagdag pa niya.

Ipinahayag pa ng dating senador na dapat mabigyan ng pagkilala ang mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng monthly honorarium sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo ng kani-kanilang local government units.

“Kaya’t dapat naman ay mabigyan naman ng pagkilala ang ating barangay health workers at volunteers sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng karampatang mga benepisyo at honorarium,” pagpapatuloy ni Marcos.

Ikuwento ni Marcos na base sa kanyang mga naging karanasan bilang gobernador, ang tagumpay ng isang local chief executive ay nakadepende sa klase ng suporta na kanyang makukuha sa mga brgy officials at workers dahil sila umano ang may derektang koneksyon sa mga tao.

“Noong governor ako, talagang inaasahan ko ang trabaho (ng mga katulad) ninyo dahil sa local, lalo na sa barangay, ang kaharap niyo ay tao, ang taumbayan mismo.

Kaya talaga napakalaki ng trabaho at kontribusyon ninyo sa maayos na pamamalakad ng ating pamahalaan,” pagdidiin niya.

“Kung hindi sa inyo kahit gaano kaganda ang mga iniisip ng national government; kahit gaano kaganda ang mga plano ng national government, wala pong mararamdaman ang taumbayan dahil kayo ang nagdadala mula sa national government hangang sa mismong mamamayang Pilipino.

Kaya kailangan pong pasalamatan kayong lahat,” ayon pa kay BBM.

Sinabi din nito na balak niya at ng kanyang running mate na si Inday Sara Duterte na isama sa kanilang priority programs measures na amyendahan ang batas na sumasakop sa brgy katulad na lamang ng pagpalawig ng termino ng mga brgy officials mula sa 3 taon ay magiging 5 taon para mabigyan umano ng bastanteng oras na matapos ang mga proyekto at trabaho sa kanilang mga nasasakupan.

Ayon pa kay Marcos, plano rin nilang magbigay ng karagdagang benepisyo sa mga brgy officials at workers na hindi naipatupad dahil sa kakulangan ng pondo.

“Siguro panahon na para talagang tuparin na natin ang nasa batas at ibigay na natin ang mga benepisyo ng mga barangay worker at sa kanilang pamilya tulad ng scholarship para sa kanilang mga anak at health insurance. Kung kakayanin, bigyan din natin sila ng pabahay,” ayon pa kay BBM.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *