Connect with us

National

BARANGAY AT SK ELECTIONS, MATUTULOY SA DISYEMBRE — COMELEC

Published

on

By

Muling iginiit ng Commission on Elections (Comelec) na matutuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa buwan Disyembre.

“Ito pong June na ito ay magsisimula na po kaming maghanda para sa barangay election although sinasabi nilang maaaring mapostpone o mareset na naman ang barangay (elections), hindi po namin yun kinoconsider sapagkat hanggang sa kasalukuyan, dapat may barangay election ngayong Disyembre,” paliwanag ni Comelec Commissioner George Garcia sa public briefing.

Kung sakaling maaprubahan umano  ng Kongreso ang pagpapaliban at nilagdaan ito ng pangulo, sinabi ni Garcia na susunod naman Comelec. Ito rin ang inihayag ni commission’s acting spokesperson Rex Laudiangco sa hiwalay na Comelec briefing.

“Comelec will continue with its preparations until such time there is a republic act promulgated, issued at napirmahan [and signed] stating that the barangay elections is postponed or reset or rescheduled,” saad ni Laudiangco.

Bilang bahagi ng paghahanda, sinabi ni Garcia na magpapatuloy ang registration ng mga botante sa Hulyo. Magsisimula na rin silang sa paghahanap ng mga election paraphernalia na gagamitin sa nasabing eleskyon.

“Magkakaroon po kami ng registration of voters. Magsisimula po ito ngayong Hulyo at syempre magsisimula na rin po kaming maghanap ng ibang mga gagamitin natin sa halalan lalung-lalo na ng mga pagpiprint ng balota dahil tatandaan po natin kapag barangay elections, hindi po tayo computerized kundi manual po ang pagcoconduct natin ng halalan,” ani Garcia.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *