Connect with us

National

BAGONG PCG TASK FORCE, BINUO UPANG PALAKASIN ANG SEGURIDAD SA KARAGATAN NG PINAS

Published

on

Inilunsad ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong araw ang ask Force Kaligtasan sa Karagatan (Safety at Sea) upang mapaigting ang pagpapatupad ng mga batas pangkaragatan.

Pamumunuan nina Vice Admiral Artemio Abu, Rear Admiral Joseph Coyme, at Commodore Charlie Rance ang nasabing task force na binubuo ng 19 task group mula sa iba’t ibang PCG district.

BInuo ang task group sa bisa ng  Republic Act 9993 o ang PCG Law of 2009.

“Through the activation of the PCG Task Force Kaligatasan sa Karagatan, PCG assets shall be utilized to intensify the enforcement of all domestic and international maritime laws, treaties, conventions, and applicable memorandum circulars issued by the PCG pertinent to maritime safety,” ayon sa pahayag ng PCG sa kanilang Facebook page.

Sinabi naman ni Abu sa isang meeting ng task force na sisikapin ng kanilang grupo na matupad ang mga layunin ng task force.

“We will be focusing only on activities that are doable, tangible, and with high impact on the safety aspect of our job, not to mention the desire to advance our sovereignty interest,” abi Abu.

Binanggit pa niya na kailangan ng ibayong koordinasyon sa pagitan ng kanilang grupo at Philippine Ports Authority, lalo na sa pagpapanatili ng mga PPA buoys.

Advertisement

“Coordination with the National Task Force for the West Philippine Sea (NTF – WPS) shall also be prioritized towards the swift installation of sovereign markers within the country’s exclusive economic zone (EEZ),” dagdag pa ni Abu.

Ayun pa sa Vice Admiral, isa sa mga pinakaimportanteng tungkulin ng task force ay ang mabigyan ng dagdag kaalaman at kahusayan ang mga tauhan ng PCG sa pamamagitan ng pagbibigay pagdaraos ng mga pagsasanay at seminar na may kaugnayan sa maritime safety.

“They will be trained in manning Vessel Traffic Management System, deploying maritime search and rescue teams, and conducting marine casualty investigations, among others,” sabi ni Abu.

Sinabi pa niya na sisiguruhin ng task force na ang mga PCG personnel ay hasang-hasa sa pagpatupad ng mga vessel safety enforcement, port state control at recreational safety inspections.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *