Connect with us

National

AYALA LAND, GAGAWING COVID-19 TESTING CENTER ANG BAHAGI NG RED CROSS OFFICE

Published

on

Gagawing  COVID-19 testing center ng Ayala Land Inc. (ALI) ang bahagi ng headquarters ng Philippine Red Cross (PRC) sa Mandaluyong City upang mabigyang-daan ang pagpuproseso ng aabot sa 3,000 tests kada araw at nang makapaglabas ng resulta sa loob lamang ng dalawang oras.

Ang mezzanine area ng PRC head office ay gagawing Class 2 facility  bilang  pagsasakatuparan sa layunin ng ALI na suportahan ang gobyerno sa pagpapatayo ng testing facilities .  Ito ay upang maging mabilis ang pagtukoy kung sinu-sino ang mga may virus at nang agad silang ma-isolate ng mga health workers.


Sa pakikipagtulungan sa PRC, isang grupo ng volunteers na binuo ng Makati Development Corp. (MDC) ng ALI ang gumawa ng mga electromechanical at architectural na mga gawain para maging testing facility ang mezzanine. 

Namigay rin ng personal protective equipment, regular na check-up,  at serbisyong medikal ang kumpanya upang masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng mga volunteer habang ginagawa ang proyekto.


Ang PRC facility ay gagamit ng dalawang reverse transcriptase polymerase chain reaction (RT-PCR) machine at isang automated ribonucleic acid (RNA) extraction machine para maproseso ang mga sample para sa COVID-19 testing.

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *