Connect with us

National

Alert Level 3, itinaas sa Bulkang Taal; Mas matinding pagsabog, pinangangambahan

Published

on

Nanatiling nasa Alert Level 3 ang bulkang Taal dahil sa patuloy na pag-aalburuto nito. Tuloy-tuloy rin ang gas upwelling o ang pagbuga ng volcanic gas mula sa main crater nito, Hulyo 3 ng taong kasalukuyan.

Sa pahayag ng Philippine Volcano Observatory, umabot na sa taas na 2,100 metro ang ibinugang plumes ng bulkan, alas-5:00 kaninang umaga. May mga volcanic earthquakes na rin silang naitala.

Sinimulan na rin ang paglikas sa mga residenteng malapit sa Taal dahil sa mataas na rin ang lebel ng inilalabas na sulfur dioxide ng bulkan, batay sa inilabas ng datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Nagbuga na rin ng lava ang Taal noong Hulyo 1, 2021, matapos ang huli nitong pagsabog noong isang taon.

Dahil sa ipinapakitang aktibidad ng Taal, patuloy na pinag-iingat ng mga kinauukulan ang lahat dahil sa peligrong maaring idulot ng volcanic smog sa kalusugan.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *