Connect with us

National

Hyun Bin at BTS sa Pinas? Korean Superstars nais imbitahan ng DOT para mapasigla ang turismo

Published

on

TARGET ng Department of Tourism na imbitahan sa Pilipinas ang South Korean superstars na BTS at si Hyun Bin para paigtingin ang turismo sa bansa.

“I always ask our attaché that if possible, they should ask their media to come and bring Hyun Bin along with them,” lahad ni Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat.


Sinabi ni Puyat na bago ang pandemya, nakatakda sanang bumisita ang “Crash Landing On You” aktor na si Hyun Bin sa Boracay o Bohol.

“So that’s my goal, Hyun Bin and BTS,” wika ng kalihim.

Aniya pa, sasamahan lamang ng mga ‘fully vaccinated people’ ang mga nasabing celebrities.

Ayon naman sa ulat, isa ang South Korean sa nangungunang bisita ng Pilipinas.

Dagdag pa ng DOT chief, sa kabila man ng pandemya, maraming foreign film outfits ang nag-shooting sa bansa tulad sa Caramoan sa Camarines Sur at El Nido sa Palawan.

Sa ngayon, isinusulong ng DOT ang “Green Lane” sa mga bakunadong balikbayan at turista.

Position: Production staff Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession:It’s a zeal for reaching out through photography, communicating whether written and spoken. Principle in life: Proverbs 3:5-6: “Trust in the LORD with all thine heart; & lean not unto thine own understanding. In all thy ways acknowledge Him, & He shall direct thy paths.”

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *