Connect with us

National

BABAE, NAGPANGGAP NA KINIDNAP PARA MAKASAMA ANG BOYFRIEND

Published

on

By

Photo| GMA news

Isang babae ang nagpanggap na kinidnap sa Baguio City para makasama ang kanyang kasintahan.

Kuhang-kuha sa CCTV ang umano’y pagkidnap kay Aprilyn Agoyos, 30, nitong nakaraang linggo.


Kasamang naglalakad ni Agoyos sa tabi ng daan ang kanyang dalawang kaibigan nang may dumaang itim na van na tumangay sa kanya.

Mabilis na nagsumbong sa Baguio police ang mga kaibigan nito para humingi ng tulong.

Pero napag-alaman na si Agoyos at ang kanyang boyfriend na si Erwin Ro na isang ex-convict dahil sa kasong drugs ang mastermind ng pagkidnap.

Ayon kay Baguio Police chief Police Colonel Allen Co, tutol ang mga magulang ni Agoyos sa relasyon ng dalawa kaya nila naisipan ito, “Siguro naisip nila na Romeo and Juliet sila na binabawalan.”

Hindi nagustuhan ng kanyang mga kaibigan ang ginawa ni Agoyos dahil nagdulot ito ng matinding trauma sa kanila.

Desididong magsampa ng reklamo ang kapulisan laban sa magkasintahan.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *