Connect with us

National

TAPYAS-PRESYO SA PETROLYO

Published

on

By

MANILA, Philippines – Magpapatupad ng tapyas-presyo sa ilang produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Pinangunahan ng kompanyang Pilipinas Shell, PTT Philippines, Petron, Caltex, Petro Gazz at Seaoil ang bawas-presyo na P0.35 sa kada litro ng diesel at P0.45 sa kada litro ng kerosene habang wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina epektibo alas-6 bukas ng umaga.

Ang ipatutupad na bawas-presyo sa ilang produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ng malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na P1.25 sa kada litro ng gasolina, P0.90 sa kada litro ng diesel, at P0.85 sa kada litro ng kerosene.

Article: REMATE

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *