Connect with us

National

3 BAGONG VARIANTS NA NG CORONAVIRUS ANG BINABANTAYAN NGAYON NG DOH

Published

on

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na patuloy ang kanilang pagbabantay kung nakapasok na ang 3 bagong variant ng coronavirus sa Pilipinas.

“Sa ngayon, mayroon na tayong 3 variant na binabantayan. Ito po ‘yung sa UK na type na variant, ito po ‘yung sa South Africa na variant, and then there was this identified na variant din dito naman sa Malaysia,” paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Aniya, patuloy naman ang pagsasagawa ng surveillance test sa Philippine Genome Center.

Sa ngayon, kumukuha na sila ng mga sample sa iba’t-ibang rehiyon lalo na sa Mindanao at Visayas area para malaman kung may bagong variant sa mga naturang lugar.

Paalala naman ni Vergeire sa publiko, dapat sundin pa rin ang minimum health protocols laban sa COVID-19.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *