National
“MARAMI PA NAMANG PASKO”: HUWAG MUNA MAMASKO SA MGA NINONG AT NINANG – DUTERTE

Published
2 months agoon

Ito ang payo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga batang Pinoy na nagbabalak na mamasko sa kanilang mga ninong at ninang ngayong pasko sa gitna ng pandemya.
Mas makakabuti umano na ipagpaliban na muna ang paghingi ng aguinaldo ngayong taon dahil marami pa namang pasko na darating.
Ngayong holiday season baka mas tumaas aniya ang tsansa na magkahawaan sa COVID-19.
“There is always a time, now is the time to be… hindi naman sedentary, but iyong kalma muna. Tutal, marami pa namang pasko eh,” saad ng Pangulo sa kanyang public address na inere Disyembre 16.
“Huwag na kayong maghingi-hingi sa mga ninong, ninang kasi kawawa ‘yung mga ano…Tapos maglabas ‘yung ninang mo pati ninong, mamili dyan sa kung saan-saan, idamay mo lang,” dagdag pa niya.
You may like
-
LGU LIBACAO, NAGPAALALA SA MAG MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA HEALTH PROTOCOLS SA MGA PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON
-
ILANG BAHAGI NG POBLACION, MAKATO, ISINAILALIM SA ‘TEMPORARY LOCKDOWN’ PARA SA CONTACT TRACING
-
GATAS NG ISANG INA, NAGKULAY BERDE MATAPOS MAGKA-COVID
-
LSI lumabas sa quarantine facility para dumalo sa birthday party
-
BREAKING NEWS: Mula isa hanggang umabot sa mahigit 41 call center agents sa Bacolod, nagpositibo sa COVID-19
-
HUE HOTEL SA BORACAY, PINASARADO MUNA DAHIL SA COVID