National
DOH, TUTOL NA PAYAGAN ANG MGA BATA SA MALLS

Published
2 months agoon

HINDI PABOR ang Department of Health (DOH) na payagan ang mga nasa-edad 14-anyos pababa na lumabas sa kanilang bahay at payagan sa mga malls.
“Ang posisyon namin, hindi po nagbabago. We discourage that kasi meron pa ring risk,” pahayag ni DOH Secretary Francisco Duque III.
Maging ang mga nasa edad 66 pataas ay hindi pa rin papayan mag-mall.
Ayon kay Duque, lubhang mapanganib ang mga nasabing edad na mahawaan ng COVID-19.
“Sa siyam na buwan na karanasan natin sa COVID-19, three to five percent po ng total infected cases natin ay sa mga bata nangyari. Hindi po sila exempted sa hawaan,” saad pa ni kalihim.
Nilinaw naman ni DILG Secretary Eduardo Año na hindi pa pinal ang desisyon sa rekomendasyon na payagan ang mga bata sa malls.
You may like
-
“MARAMI PA NAMANG PASKO”: HUWAG MUNA MAMASKO SA MGA NINONG AT NINANG – DUTERTE
-
PILOT TESTING NG FACE-TO-FACE CLASSES SA MGA LOW RISK AREAS SA COVID-19, SA 2021 INAPRUBAHAN NI PRES. DUTERTE -MALAKANYANG
-
Live-in partner ng COVID-19 positive na nasawi: ‘Di totoo na namatay sa COVID ang partner ko’
-
HAZARD PAY AT ALLOWANCES SA MGA MEDICAL FRONTLINERS, APRUBADO NA NI PANGULONG DUTERTE
-
AKLAN COVID UPDATE
-
₱100 Milyon, inilaan ng Iloilo City Government para sa Bakuna kontra COVID-19