Connect with us

National

CHRISTMAS CASH GIFT NG GSIS NA ₱3.3 BILYON PARA SA MGA PENSIYONADO, IBIBIGAY NA

Published

on

MAGLALABAS na ng nasa P3.3 bilyon na cash gift ang Government Service Insurance System (GSIS) para sa mga pensiyonado simula Disyembre 1.

Inihayag ni GSIS president Rolando Macasaet, 330,496 na mga retirado at disability pensioners ang pasok sa Christmas cash gift.

“We made sure that the cash gift will be credited to their electronic card (eCard) before Christmas this year to somehow relieve them of the additional financial expenses during the Christmas season,” wika ni Macasaet.

Ang mga kwalipikadong pensioners na nakatanggap ng P10,000 noong 2019 ay bibigyan ngayon ng halagang katumbas ng kanilang isang buwan na pensiyon.

Samantala, ang mga nakatanggap ng mahigit P10,000 nakaraang taon, ay makakatanggap naman ng aabot sa P12,600 na cash gift ngayon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *