Connect with us

National

ILAN SA MGA KAALYADO NI FORMER HOUSE SPEAKER ALAN PETER CAYETANO, TINANGGALAN NG PWESTO SA KAMARA

Published

on

Tinanggal sa pwesto sa House of Representatives ang ilan sa mga kaalyado ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano.

Pumalit bilang bagong deputy speaker sina Cagayan De Oro City Rep. Rufus Rodriguez, Buhay Party-list Rep. Lito Atienza at Las Piñas Rep. Camille Villar.

Ang tatlo ang umupo sa nabakantehang pwesto matapos tanggalin sina Capiz Rep. Fredenil Castro, Laguna Rep. Dan Fernandez at Batangas Rep. Raneo Abu.

Inilagay naman bilang bagong chairman ng House Committee on Energy si Pampanga Rep. Mikey Arroyo kapalit ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bago siya naging House Speaker.

Umupo bilang vice chair ng House Committee on Accounts si ACT-CIS party-list Rep. Eric Go Yap, na pumalit kay Davao City Rep. Paolo Duterte.

Magsisilbi namang Secretary General ng House si former Batangas Rep. Mark Llandro Mendoza, sa iniwang pwesto ni Atty. Jocelia Bighani Sipin.

Bagong chair naman ng lupon sa House of Representative Electoral Tribunal si Caloocan City Rep. Dale “Along” Malapitan.

Ginawa ang balasahan sa Kamara sa ginawang session kahapon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *