Connect with us

National

Bulok na bigas na bahagi ng relief goods, inireklamo ng mga sinalanta sa Catanduanes

Published

on

Photo| Ronalyn Ternida

Inaamag na umano ang mga pinamigay na bigas sa ilang residente ng Virac, Catanduanes na isa sa pinaka matinding lugar na pinadapa ng bagyong Rolly at Ulysses.

Parehong nagreklamo ang mga residente ng barangay Igang at Simamla na nakatanggap ng ayudang bigas.

Ayon kay Barangay Igang Chairman Ronnie Clemente, bumalik ang mga residente sa kanila at inirereklamo ang mga bigas na umano’y bulok, mabaho at hindi na maaaring kainin.

Pahayag naman ni PB Evangelina Manlangit, galing ang mga ito sa kapitolyo. Hindi umano niya alam kung ilang residente ang nabigyan ng nasabing bigas at maaring ang iba nito ay pinakain na lamang sa baboy.

Sinabi naman ng Provincial Social Welfare Development Office na agad nilang itinapon ang lahat ng bigas na umano’y nabasa dahil sa lakas ng ulan.

Paliwanag naman ng Provincial Social Welfare Development Officer Roselle Taraya na mayroon na umanong nabasang mga bigas pagdating ng kapitolyo at may tinanggal na umano sila kaya’t nagtataka siya kung bakit mayroon umanong nakarating na inaamag na bigas.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *