National
FDA, binalaan ang publiko laban sa pekeng Diatabs, Solmux, Neozep at Ponstan

Published
3 months agoon

NAGBABALA ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa mga pinekeng branded na gamot na nakakalat sa merkado.
Sa FDA advisory, tinukoy ang mga gamot na kadalasang mabibili lang over-the-counter.
Kabilang dito ang sumusunod:
– Mefenamic Acid (Ponstan) 500mg Tablet
– Loperamide (Diatabs) 2mg Capsule
– Carbocisteine (Solmux) 500mg Capsule
– Phenylephrine HCI Paracetamol (Neozep Forte) 10mg/2mg/500mg Tablet
Batay sa FDA, ang pekeng Ponstan 500mg Tablet ay hindi tugma sa rehistradong brand ng gamot. May makikitang nakaukit na letra nito sa tableta.
Habang sa pekeng Diatabs naman, iba ang kulay at itsura ng gamot kumpara sa rehistradong brand. Maging ang logo, at security mark ay magkaiba.
Sa Solmux at Neozep naman ay parehong magkaiba ang logo, security mark, at itsura nito sa rehistrasong brand.
Paalala ng FDA sa publiko, maging mapanuri sa mga binibiling gamot.
Inabisuhan din ang mga establisyimento na huwag magbenta ng mga pekeng gamot.
You may like
-
Pangulong Duterte, pinatigil ang pagmimina sa Tumbagaan Island sa Tawi-Tawi
-
Dating Mandaluyong Mayor na si Benhur Abalos Jr., itinalaga bilang MMDA Chairman
-
5 ahensya ng gobyerno, unang iimbestigahan dahil sa isyu ng korapsyon
-
Pagbili ng 166 service cars ng DepEd, dinepensahan ng Palasyo
-
Foreign investors, papayagan nang makapasok sa Pilipinas simula November 1
-
Live crowd at pustahan, pinagbabawal sa sabong — DILG