Connect with us

National

Cimatu, pinuri ni Pang. Duterte sa white sand project sa Manila Bay

Published

on

Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte si Environment Secretary Roy Cimatu kaugnay sa white sand project sa Manila bay.

“Let us begin by congratulating Secretary Cimatu.”

Ito ang sinabi ng pangulo sa kaniyang pulong kasama ang Inter Agency Task Force (IATF), Lunes ng gabi.

Pinuri ni Duterte ang kalihim ng DENR sa proyektong paglalagay ng white dolomite sand sa baywalk.

Ayon pa sa pangulo, ikinasaya ito ng publiko.

“You know I remember that meeting I think everybody was there when I said ‘Kaya mong linisin to?’ And the answer was very curtly given,” wika ni Duterte.

Mababatid na bago pa man ito buksan sa publiko, maraming ang bumatikos sa paglalagay ng white sand sa Manila bay.

Pero ayon pa sa pangulo, wala na siyang magawa pa dahil kahit ano pa man daw ang gawin ng gobyerno, marami pa ring bumabatikos nito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *