Connect with us

National

10K BPO Jobs, Bubuksan para sa Tourism workers na nawalan ng trabaho

Published

on

Nasa 10,000 jobs sa Business Process Outsourcing (BPO) industries ang bubuksan para sa mga tourism sector workers na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Batay sa ulat, nagtulungan ang Department of Tourism (DOT) sa BPO company para mabigyan ng hanapbuhay ang mga displaced tourism sector workers.

Kabilang sa posible nilang maging trabaho ang customer service representatives, technical support, supervisors, at managers.

Magsasagawa ng virtual job fair sa September 22, 24, 29 at October 1 sa Luzon; September 17, 18, at October 1 sa Visayas; habang September 15 – 16 naman sa Mindanao.

Para sa registration links, maaaring abangan ito sa official Facebook page ng DOT.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *