Connect with us

National

MGA MYEMBRO NG PAG-IBIG FUND NA MAY LOAN, MAGBEBENEPISYO KUNG MAGIGING BATAS NA ANG BAYANIHAN 2

Published

on

Larawan mula sa millennialwomeninspirations.com

Magbebenepisyo ang mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ng karagdagang 60-day grace period sa kanilang mga loan payments kung magiging batas na ang Bayanihan to Recover as One Act o ang Bayanihan 2.

Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti, nang ipinasa ang Bayanihan 1, nakapagbigay na sila ng palugit na dalawang buwan at kalahati sa mga may loan.

Aabot sa 4.7 miilion na Pag-IBIG Fund members ayon kay Moti ang naka-avail ng option na pag-defer ng loan payments dahil maraming borrowers ang nahirapang makabayad.

Patuloy ayon kay Moti na naghahanap ng paraan ang Pag-IBIG para matulungan ang kanilang mga miyembro.

Ipinasiguro nito na ang Pag-IBIG ang may ‘lowest interest rate in the market’, habang nagbibigay din sila ng economic package para sa mga developers para hindi mahinto ang pagpapatayo ng mga bahay.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *