Connect with us

National

PhilHealth chief Morales maghahain ng resignation ngayong Miyerkules

Published

on

Photo: Daily Tribune

Nakatakdang magbitiw sa puwesto ngayong Miyerkules, si Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) President at CEO Ricardo Morales.

Kinumpirma ni Morales na magsusumite siya ng kaniyang resignation sa Malakanyang ngayong araw.

Ayon pa sa kanya, ihahain niya ang resignation kay Executive Secretary Salvador Medialdea.

Matatandaang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang humiling kay Morales na mag-resign ito.

Sinabi ng pangulo sa kanyang talumpati na mas mainam na magbitiw na lamang si Morales dahil sa kondisyon ng kanyang kalusugan.

Mababatid na sa gitna ng mga alegasyong may malawakang korapsiyon ang naturang ahensya ngayong buwan.

Itinanggi naman ni Morales ang mga paratang, ngunit sinabi niyang magpapatuloy siya sa pakikilahok sa mga pagsisiyasat na ginagawa ng gobyerno.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *