Connect with us

National

ROQUE, ITINANGGI NA UMALIS SA BANSA SI PRES. DUTERTE NGAYONG WEEKEND

Published

on

ITINANGGI ni Presidential spokesperson Harry Roque ang mga ulat na umalis sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong weekend.

Ayon kay Roque nandito ang pangulo sa bansa at mahigpit na binabantayan ang sitwasyon ng pandemya.

“There is no truth that President Rodrigo Roa Duterte left the country this weekend,” pahayag nito.

“The Chief Executive is in the Philippines and closely monitoring the COVID-19 situation in the country,” paliwanag pa ng palace official.

Mababatid na Agosto 10 ang huling public address ni Duterte sa kanyang hometown sa Davao City.

Samantala, bukas naman inaasahang magbibigay ng anunsyo ang pangulo patungkol sa estado ng community quarantine sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *