Connect with us

National

MGA PINOY LEARNERS NA HINDI NAKAPAG ENROLL, AABOT SA 4 MILLION — DEPED

Published

on

Aabot sa apat na milyong mag-aaral ang nagpasya na hindi na muna mag-e-enroll ngayong school year 2020-2021 dahil sa epekto ng Covid-19 pandemic.

Ayon ito sa Department of Education (DepEd) dahil sa maraming magulang at mag-aaral na hirap bunsod ng krisis.

“Mayroon tayong extraordinary non-participation on account of Covid. As of today, that is about four million learners”, Ito ang sinabi ni Education Undersecretary Nepomucino Malaluan sa naganap na Senate hearing.

Dagdag pa nito na pinag-usapan umano nila sa kagawaran kung paano palalawakin ang mga hindi nag-enroll.

Sa ngayon anya ang dapat nilang pagtuunan nang pansin ay mga istudyanteng nagpalista para sa pagbukas ng klase.

Base sa datus ng DepEd nasa 23,078,394 kindergarten hanggang Grade 12 students ang nagpalista hanggang August 11 sa buong bansa.

Ang mga nagpa-enroll ngayong taon sa public schools ay nasa 21.48 million habang 1.5 sa private school.

Samantala 333,000 naman ang nagpalista sa Alternative Learning System.

Iminungkahi umano ng ilan sa mga senador na ang mga istudyante ay exempted sa pagkuha nang bagsak na grado sa gitna ng pandemic.

Kaugnay nito ang dalawang senador na sina Sherwin Gatchalian at Francis Tolentino ay ipinagpaliban muna ang pagbubukas nag klase sa mga lugar na nasa ilalim pa rin ng modified enhanced community quarantine.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *