Connect with us

National

PILIPINAS, NAUNGUSAN NA ANG INDONESIA SA MAY PINAKAMARAMING COVID-19 CASES SA SOUTHEAST ASIA

Published

on

Photo from www.pna.gov.ph

Naungusan na ng Pilipinad ang Indonesia sa may pinakamaraming numero ng COVID-19 cases sa Southeast Asia matapos makarecord ng 119,460 total cases.

Agosto 6, kahapon, nakarecord ang Indonesia ng 118,753 na mga kaso na may 5,521 na mga namatay at 75,645 na recoveries.

Mas mababa naman ang death toll sa Pilipinas na umaabot lamang sa 2,150 at may 66,837 recoveries.

Aminado naman dito ang DOH pero ipinagmalaki naman ng ahensya na ang mataas na numero ng kaso ay dahil nangunguna ang pilipinas sa may pinakamaring COVID-19 testing na isinasagawa sa mga testing laboratories.

Sa data ng DOH noong Aug. 4, may 1,643,539 tests silang nagawa na may average na 28,938 kada araw sa loob ng nakaraang 7 araw.

Mas mataas umano ito kung ikumpara sa 908,000 tests na isinagawa ng Indonesia noong Aug. 4 na may average nga 14,291 tests ng nakaraang 7 araw base sa Our World in Data.

Nasa 1.5% ng popolasyon ng Pilipinas ang nagawang tests ng ahensya kung ikumpara sa 0.34% na popolasyon na naisagawa sa Indonesia.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *