Connect with us

National

“PENSIONER KO, SAGOT KO” NA PROYEKTO NG PNP, ILULUNSAD NGAYON

Published

on

Photo via NHO, PNP

Ngayong araw sisimulan ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng proyekto nitong “Pensioner Ko, Sagot Ko” (PKSK).

Magtatalaga umano ng isang aktibong PNP personnel sa ilalim ng nasabing proyekto para bantayan at imonitor ang kondisyon ng isang PNP retiree.

Bahagi ito ng Modified Nationwide Accounting Pensioners na ipatutupad ng PNP Retirement and Benefits Administration Service (PRBS) ng PNP.

Sa PKSK Project, magkakaroon ng Buddy System sa pagitan ng isang Active PNP Personnel at isang PNP Pensioner.

Simula ngayong araw, hanggang sa August 14, 2020 asahan na ng mga PNP pensioner ang pagbisita sa kanilang bahay ng kanilang magiging buddy.

Pagkatapos ng inisyal na pagbisita, masusundan ito kada ikatlong buwan.

Sa pamamagitan ng cellphone at iba pang platforms magkakaroon parin ng kontak sa pagitan ng magka-buddy.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *