Connect with us

National

ALAMIN: Kaisa-isang probinsiya sa bansa na nananatiling COVID-19 free

Published

on

Isang probinsya nalang sa buong bansa ang nananatiling walang kaso ng COVID-19 at ito ay ang probinsiya ng Batanes batay sa datos ng Department of Health (DOH).

Dati’y walang naitatalang kaso ng COVID-19 sa probinsiya ng Masbate pero ngayon ay may pinakamaraming aktibong kaso na ito na sinundan ng Sarangani.

Dumami na rin ang bilang ng active cases sa labing tatlong probinsiya sa loob lamang ng dalawang linggo.

Ito ay ang Abra, Benguet, Kalinga, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Quezon province na nasa Luzon.

Sa Visayas naman ay ang Samar at Leyte habang sa Mindanao ay Sarangani at South Cotabato.

Base sa huling ulat ng DOH, pumalo na sa 115,980 ang COVID-19 cases sa bansa, nadagdagan naman ng 222 ang mga nakarekober kaya 66,270 ang mga gumaling sa sakit.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *