Connect with us

National

BuCor Spox: High Profile inmate Raymond Dominguez may COVID-19, buhay pa

Published

on

Photo| Inquirer.net

Nilinaw ni Bureau of Corrections spokesperson Gabriel Chaclag na buhay pa ang high profile inmate na si Raymond Dominguez.

Kasunod ito ng napabalitang nasawi ang inmate sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Chaclag, buhay si Dominguez at kasalukuyang nasa Site Harry, isang isolation area sa loob ng New Bilibid Prison.

“Yung health status niya ay OK naman siya, although may history ng asthma ‘yun. Nagpapagaling pa rin. Nag-COVID-positive kasi siya,” ani Chaclag.

Noong Abril 2012, nahatulang guilty ni Bulacan Judge Wilfredo Nieves si Dominguez sa kasong carjacking noong 2010.

Inakusahan din si Dominguez bilang isa sa utak sa pagpaslang sa dalawang used car dealer na sina Veson Evangelista at Emerson Lozano noong 2011.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *