Connect with us

National

Anomalya umano sa PhilHealth, pinaiimbestigahan ni Pangulong Duterte

Published

on

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Undersecretary Jose Melchor Quitain ng Office of the Special Assistant to the President, na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa mga umano’y katiwalian sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Kinumpirma ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod sa pagbitiw sa pwesto ni Atty. Thorrsson Montes Keith.

Si Keith ay tumatayong Anti-fraud Legal Officer ng PhilHealth.

Ayon kay Roque, nakatutok ang naturang imbestigasyong sa pagbili ng overpriced IT system ng institusyon na nagkakahalaga ng P2 billion.

“Ang imbestigasyon ay nakatutok sa IT system na diumano ay gustong bilhin ng management ng PhilHealth worth mahigit 2 billion na tinutulan ng mga pribadong mga Board of Directors,” ani Roque.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *