Connect with us

National

Kamara, pinaiimbestigahan ang iba pang broadcasting companies na nag-ooperate sa kabila na paso na ang prangkisa

Published

on

Kamara-pinaiimbestigahan-ang-iba-pang-broadcasting-companies-na-nag-ooperate-sa-kabila-na-paso-na-ang-prangkisa

Bukod sa ABSCBN na naipasara, nais paimbestigahan ng isang kongresista ang 15 broadcasting companies na patuloy pa rin ang operasyon sa kabila na expired na ang mga prangkisa.

Ayon kay ni Nueva Ecija Rep. Micaela Violago dapat imbestigahan din ng House Committee on Legislative Franchises at sa National Telecommunications Commission (NTC) ang iba pang broadcasting companies na nag-o-operate pa rin kahit paso na ang prangkisa at kasalukuyang dinidinig ng Kongreso ang franchise renewals ng mga ito.

Dagdag pa ni Violago, posibleng may nilalabag din ang mga ito na batas tulad ng labor law o tax evasion law.

Gusto rin ng kongresista na malaman kung nakagawian na ba sa broadcasting companies ang patuloy operasyon sa kabila ng kawalan ng prangkisa, kaya’t nais niyang masilip ang mga ito.

Aniya, sa pamamagitan nito maipapakita rin sa mga Filipino na patas at walang pinapaburan na anumang kumpanya ang Kamara.

Maghahain ng resolusyon si Violago para masiyasat ang operasyon ng broadcast companies.

Continue Reading
Advertisement
1 Comment

1 Comment

Leave a Reply

Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *