Connect with us

National

DTI, binawi na ang ‘quantity limit’ sa pagbili ng mga essential products

Published

on

Binawi na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang ‘limit’ sa pagbili ng mga essential items.

Nagpalabas ng Memorandum Circular 20-36 ang DTI sa pag-alis ng quantity limit ng mga produkto na batay sa Anti Hoarding and Anti Panic Buying Memorandum circulars.

Kabilang sa essential items ang disinfectant alcohol, hand sanitizer, disinfecting liquids, face masks, at canned goods.

Kinumpirma ito ni Trade Secretary Ramon Lopez.

Aniya, tinaasan na ng DTI ang bilang ng mga face mask na maaaring mabili.

Inihayag din ni DTI Usec. Ruth Castelo na mayroon nang sapat na supply ang nasabing mga produkto.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *