Connect with us

Aklan News

Registered online sellers, maaaring makakuha ng gov’t benefits ayon sa DOF

Published

on

Photo| http://www.zainpedia.com/

Kwalipikado na makakakuha ng benepisyo mula sa gobyerno ang mga online seller na magpaparehistro ng kanilang mga negosyo sa Bureau of Internal Revenue.

Inihayag ito ng Department of Finance nitong Martes sa virtual press briefing.

Ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino, dapat magparehistro sa BIR ang mga negosyo, kabilang ang mga nasa online, para sa pagsunod sa batas.

“Ang gusto po talaga natin ay masunod ang batas that is actually applicable to everybody,” wika ni Lambino.

“It’s not only a requirement and an act of good citizenship, it also comes with benefits,” pahayag ng kalihim.

Ang mga rehistradong online seller ay maaaring mag-avail ng low-interest loans mula sa Department of Trade and Industry, at kwalipikado rin ang mga ito para sa wage subsidy programs.

Pinaliwanag naman ni Trade Secretary Ramon Lopez na exempted ang maliliit na online sellers o mga kumikita ng P250,000 pababa kada taon mula sa pagpaparehistro ng kanilang mga negosyo sa BIR.

Hindi na umano bago ang pagbubuwis sa mga online sellers saad ni Lambino. Sapagkat exempted naman ang mga kumikita ng P250,000 pababa sa pagbabayad ng buwis.

“Yun naman po ay hindi bago. Ito po ay isang paalala na dapat nakarehistro ang lahat ng negosyo whether may tax due or wala,” dagdag pa nito.

“Hindi po natin layunin na habulin ang mga online sellers para sa mga taxes po nito,” giit pa ni Lambino.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *