Connect with us

National

Low-risk areas, isasailalim sa Modified GCQ – DILG

Published

on

Binawi ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) ang nauna nitong desisyon na pag-aalis ng community quarantine sa mga lugar na itinuturing na “low-risk” sa COVID-19.

Nilinaw ni DILG Secretary Eduardo Año sa press briefing na isasailalim ang mga “low-risk” areas sa modified general community quarantine.

“Wala na po tayong area sa buong Pilipinas na hindi under ng community quarantine. Iba-iba lang pong level,” saad ng kalihim.

Ayon kay Año, nagsumite ng petition request ang karamihan sa mga local chief executives, governors at mayors at sinabing hindi pa sila handang tanggalin ang community quarantine sa kanilang mga lugar.

Samantala, maglalabas naman ng guidelines kung paano ipatutupad ng local government units (LGUs) ang modified GCQ.

“Magkakaroon pa rin ang ating mga local chief executives ng guidelines kung paano niya ipapatupad ang modified GCQ para sa ganun ay mayroon siyang kapangyarihan na magagamit na matigil ang pag-spread ng virus sa mga lugar na meron pa,” pahayag ng kalihim.

Dagdag pa ni Año, kapag wala na umanong quarantine ay ine-expect natin na baka magkaroon ng second or third wave.

Narito ang mga areas na nasa low risk na isasailalim sa Modified GCQ:

  1. Low Risk (Green)
    a. Region I – entire
    b. Region IV-B – entire
    c. Region V – entire
    d. Region VI – entire
    e Region VIII – entire
    f. Region X – entire
    g. Region XII – entire
    h. BARMM – entire

Via | Radyo Inquirer

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *