Connect with us

National

LANDBANK, NAGLUNSAD NG ‘STUDY NOW, PAY LATER’ PROGRAM PARA SA MGA ESTUDYANTENG GUSTONG MAG-ARAL

Published

on

Naglunsad ang Landbank of the Phils. ng “study now, pay later ” program para matulungan ang mga estudyante na makapagpatuloy ng kanilang pag-aaral sa gitna ng financial problem dahil sa coronavirus pandemic.

Ang Access to Academic Development to Empower the Masses towards Endless Opportunities (ACADEME) lending program ng Landbank ay naglalayon na magpahiram ng pera sa mga educational institutions na kanila ring ipapahiram sa kanilang mga estudyante.

Zero interest ang nasabing lending program ng bangko para sa mga estudyante.

Ayon kay Landbank Assistant Vice Pres. for Program Management Generoso David, target nila ang mga private non-DepEd junior at senior high schools, private technical, vocational educational training institutions at mga pribadong higher educational institutions (HEIs).

“Yong mga parents definitely nahihirapan sa cash flow nila ngayon. Pumapasok kami para matulungan ang mga estudyante para tuluyan pa rin silang makapag-enroll” pahayag ni David.

Ayon pa kay David na kahit zero interest ito sa mga estudyante, ibibigay nila ito sa mga eskwelahan na may 3% interest.

Dagdag Pa niya na ang repayment scheme ay magde-depende sa arrangement ng mga estudyante at eskwelahan. Pwede umano itong gawin pagkatapos ng semester, pagkatapos ng school year o hanggang graduation.

Makakatulong din umano ito sa academic institutions na mapanatili ang numero ng kanilang mga enrolles sa Kabila ng health crisis at economic downturn.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *