Connect with us

National

MGA FREELANCER NA APEKTADO NG ECQ, DAPAT RING MABIGYAN NG AYUDA – CAYETANO

Published

on

Umapela si House Speaker Alan Peter Cayetano na dapat pagkalooban ng comprehensive assistance package ang mga ECQ-affected “freelancer”.

Diin ng House Speaker, sa kabila ng tulong ng pamahalaan mayroon pa ring mga sektor na hindi naabutan ng ayuda.

Aniya, dahil ito sa kawalan ng updated database para sa mga informal workers.

Pahayag ni Cayetano, maaaring bumuo ng isang grupo ang mga freelancers, independent contractors, at self-employed para mapabilis ang pag-tulong ng gobyerno.

Dagdag pa niya, lumapit umano sa kanya ang ilang freelancers na nasa entertainment industry dahil sa pangamba na tuluyang mawalan ng trabaho lalo’t pinalawig ang Enhanced Community Quarantine.

Source: Radyo Pilipinas

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *